Dale – A Letter
“Tang-ina, umaga na”bati niya sa kanyang sarili. Marahil ay dahil sa sakit sa kanyang tagiliran kung kaya siya nagising at naalimpungatan.Hirap man ay pilit niyang bumangon ng dahan dahan, at nang nagawa niyang makaupo ay sinilip niya ang kaliwa niyang tadyangan. “Sinungaling talaga ang mga direktor ng mga pelikula,” nasaisip niya. “Hindi lang maitim na berde ang kulay ng pasa”. Halos tatlong kulay ang nakikita niya ngayon sa kanyang tadyangan: pula, asul at abo lahat at may bahid na kaitiman sa mga ito.
Pinilit siyang gumiya pakaliwa at isiningit ang kanyang kamay sa pagitan ng kutson at ng papag, alam niyang nandoon lamang sa parteng iyong ang hinahanap niya. Nang makapa ang butas ay dahan dahan niyang hinila mula roon ang isang luma at manilaw-nilaw na supot. Marahan ang kanyang pagkuha, takot na sumabit ito sa nakausling mga hibla ng kahoy. Nang kanyang tuluyang mailabas ang supot, ay panandalian niyang inilapag ito sa sahig upang ipahid ang marungis niyang mga kamay sa kanyang maong. Matapos ay dahan dahan niyang tinanggal ang buhol ng supot upang kunin ang nasa loob. Wala ni isang pagkakataon na hindi siya naluha sa tuwing makikita niya ang mga nasa loob nito: tatlong sobreng lukot-lukot, isang larawan na kuha niya nung dise-otso anyos pa lamang siya at isa pang larawan ng isang dalagita na halos nasa pareho niyang edad.
Dahan dahan siyang tumayo at sinikap maglakad palapit sa upuan na nasa tabi ng bintana, sa kanyang kanang kamay ay hawak niya ang isa sa mga sobre. Bukod tangi ito sa tatlo sapagkat ito lamang ang bukas na at halatang nabasa na ng paulit ulit. Bagama’t hirap dahil sa kanyang tagiliran ay nagawa pa rin niyang umupo matapos marating ang bintana atsinimulang buklatin ang sulat na mula sa sobre. Kung saan niya huhugutin ang lakas ng loob upang muling basahin ito ay hindi niya alam.
“Haaaah” Isang malaking buntong hininga ang kanyang pinakawalan ng nagpangabot ang kanyang tanaw at ang mga unang salita sa sulat:
Goryo,
Maaaring ito na ang huling sulat na maipapadala ko, hindi ko rin sigurado kung dapat ko pa nga ba ‘tong ipadala.. Alam kong makasasakit lamang ako. Hindi kita masisisi kung sumama ang loob mo matapos mong mabasa ang huli kong sulat… Ni hindi ka na rin sumagot para sabihin kung ano ang ‘yong nasasaloob. Kahit ano basta’t alam kong mula sayo. Kahit galit ka o nalulungkot o napipikon, nag-antay ako. Hindi naman ganon kalaking bagay yung hiniling ko di ba? oh, sa tingin mo wala na rin akong karapatang makarinig man lang sayo? Alam kong mahihirapan na tayong magkapaliwanagan dahil kulang ang papel para iharap sayo ang mga dahilan ko. Ngunit nais ko lang ulitin, Walang ibang nagdesisyon para sa akin kundi ako. Nasa matino akong pagiisip nang gawin ko yon at wala ka nang dapat pagtuunan ng sisi. Akala ko’y marami pa akong sabihin sayo, pero wala na pala. Ni wala akong ideya kung ano na ang nasasaisip mo. Wala na rin siguro akong dapat maging pakialam. Sana’y kung muli tayong magkita sa hinaharap ay magagawa pa rin nating kahit magtinginan lang.
Paalam,
Len
Naging bisyo na rin siguro marahil, sa daming ulit na niyang binasa ang sulat na magmuni muni siya at pagisipan kung dapat ba niyang buksan ang dalawa pang sulat. Muli siyang tumayo pabalik sa papag at dinampot ang dalawang sobre kasama ang mga larawan. Muli na naman niyang maalala ang mga lumang imahe sa kanyang isipan; Ang pagiging kumpleto bagamat salat dahil sa pananatili ni Len sa kanyang tabi.
Lilipas ang mga minuto na kanya lamang pagmamasdan ang mga ito at magdedesisyon na sila’y ibalik sa supot at muling itago sa butas sa papag. Hindi na niya nais malaman.

Check this out too guys: I found it on our Sketchpad section:
http://neverwritten.wordpress.com/2008/02/07/a-letter-for-muter/
malinaw ang daloy at dalumat ng kwentong nais mong ipa-hiwatig. may ilang mga bahagi ng iyong iniakda na nais kong ibahagi ang aking saloobin.
una sa lahat, mabuhay ka at ang iyong pagnais magsulat sa ating wika. bagama’t halatang may pagsisikap sa iyong pagsulat, ito’y isang bagay na dapat ika-puri.
Gaya ng aking sinabi, ang anyo ng pagsulat, sa pamimili ng ilang mga salita at kahit na lamang sa baybayin ay kapansin-paning may paghihikahos. Maaaring makatulong ang pagbasa ng mga akda ng mga manunulat tulad nila F. Sionil Jose, atbp. Wag na wag kang magbabasa ng mga akda ni Randy David sa pagka’t hindi maganda ang anyo ng kanyang wika sa tagalog.
Sa dalumat ng kwento, habang sadyang namamangha ako sa pagiging bukas at walang tapos ang kwento, may ilang mga bagay na para sa aki’y maaari pang pag-isipan: una, ang liham mula sa babaeng malamang ay kalaguyo ng bida ng kwento ay may kakulangan sa laman. Ang kagandahan sa mga kwento animo’y nakikinig sa pag-iisip ng isa sa mga tauhan ay ang kakayahan nitong akitin ang mambabasa. Mas makahulugan sa mambabasa kung mayroon syang makikita, o maririnig na mga bagay-bagay na maaaring ang nakakaalam lamang ay ang mga tauhan sa kwento. Halimbawa, maganda kung may mga ilang palitan ng salita na tumutukoy mismo sa bagay na ikakasama ng kanilang loob. digs mo? :p
Ang ikalawa at huling bagay ay ang pagtatapos ng kwento. Bagama’t magandang hindi binasa ng bida ang laman ng ikalawa at ikatlong liham, ang kadahilanan ay hindi maaaring dahil lamang sa kawalan ng pagnanais. Disin sana’y hindi na nya ito itatago kung siya’y walang pagnanais na mabasa o malaman ang inilalaman nito. Ngunit dahil itinatago nya ang mga ito ay malinaw na paghahayag ng pagnanais na ito’y mabasa. Maaari kang magtapos sa kanyang pagbukas ng liham, o maaaring ding hindi nya buksan, ngunit ang kadahilanan ng bawat kilos ay dapat mapag-isipan ng husto at ang pag-uudyok sa kilos ay malakas at malinaw.
iyon lamang po, papi
Thanks for the comments and suggestion Mars boy. Yeah, I tried to ask my sister to dig for some of my old high school books with short stories written in our native tongue. Perhaps to be able to at least simulate the style of Rogelio Sikat and the gang! Also good thing to point out the struggle for words.. I didn’t have the time to make sure that at least they share the same milieu. When the idea struck me, I just pulled them words like crazy. Will do better next time.
Brave thing, to write in Filipino! But then again, I say that because i think in English
And you have mastery of our native tongue, more than most of the neverwriters I dare conclude. That’s one mean girl, she gave him no consolation to nonchalant desolation. Where’d the bruise come from again?
To be honest, I think I was better way back HS when it comes to writing using our native language. Marz noted some very good points about the piece, specially for improvements.